Makin' My Way Downtown

Hi, my name's Zaf. What's up? My memory only lasts 10 seconds. I love bacon and eggs. Oh, did I mention my name's Zaf? What's up? My memory only lasts 10 seconds. I love bacon and eggs.


Pangarap.

Marami akong pangarap.

Isa na dun ang maakyat ko ang puno ng mangga dito samin. Yung dalawa. Para fun. Tapos dun ako sa taas magtatayo ng isang malaking tree house na walang pwedeng pumasok kung hindi ang mga kaibigan ko lang. No trespassing kumbaga.

Tapos sa loob, makikita mo maraming pagkaing gawa sa mangga. May burong, may nilupak (?!), may atchara, may shake, at kung ano ano pang pwedeng maimbento gamit ang mangga. Yun ang fun. Ay, may nainom pala akong shake. Mangga at carrots na may condensed milk. Libre lang yun sa mall, so kumuha ako. Kilala moko, basta libre, papatulan ko. Masarap siya. Ndi ko nalasahan yung carrot kaya ko nasabing masarap. Haha.

Kanina nakausap ko rin si Cheska. Hahaha. Ang sarap nyang kausap. Parang lang kaming tanga. May acronyms pa siyang nalalaman. Hahaha!

Tapos si Angie naging super KJ. Umuwi nung nakakuha na ng mangga, nagstay lang ng sandali. Bakit kaya mahilig cya sa prutas? Simula sa hilaw na mangga hanggang sa basag-basag na star apple, tinitira nya. Feeling ko kung may puno ng saging samin na may bunga, may dalang sako to araw-araw. Hahaha. Damn you gotta love Angie. Hahaha! Ang kulit.

Si Igor tulog na. Di ba sumasakit ulo neto kasi pag dumadaan/tumatayo ako nagigising cya? Hahaha. Kung ako lang ang aso, matagal ko ng kinagat amo ko para pumirmi sa upuan. Haha.

Tapos nalaman ko na yung bahay pala dito ng mga Aguilar eh burial house pala to? Akala ko abandonado lang. Dun pala nakalibing mga ninuno ng asawa ni Kuya Manny Villar. Pota lang. Tapos may tagusan daw yun sa bahay ni Christopher de Leon. Cya na! Cya na ang may mumung nag-ccrossover.

Anlamig sa labas. Ang sarap. Pero kanina ko lng talaga napruwebahan na gusto kong maglakad sa arawan. Yung tipong masakit na sa balat na araw? Pero hindi humid kaya walang pawis. Ganyan kami sa Las Pinas, maaraw pero walang pawis. Oh baka ako lang yun kasi ndi ako uminom ng tubig buong araw.

Kape lang at isang bote ng Cobra ang pagkain ko sa buong araw kanina. Fun to. Tingnan natin kung gano kakapal na nag-mutate ung tiyan ko. Hahaha. Ilang linggo kaya bago ako magka-ulcer? Intayin natin. Curious kasi ako eh. Pag tinakbo ako sa ospital, baka ayaw maniwala ng doktor na may ulcer ako sa taba ko. HAHAHA. Papakain ko sa kanya yung tubo na may camera na isasaksak nya sa bibig ko.

Sabi pala ni Paula, meron daw opening sa Libis. Salamat Paula naisip moko. =) Mga ganyang bagay, natutuwa nako. Mababaw lang naman ako eh. Haha. Pero sabi ko Las Pinas ako nakatira, mgatipong 5-10 mins from Alabang. Haha. Baka naman 12mn nako makarating ng bahay nyan tapos 12mn alis narin ako. Edi sana sa kariton na lang ako tumira para kunyari chipetix na trailer van. May kulambo lang para iwas dengue. Mejo mahal pa naman ang dugo ko kasi AB+ ako. Pag nagkaduenge ako, tuloy na yun sa kabaong.

Nanood ako ng Cloudy with a Chance of Meatballs. After ko panoorin, parang nasuka ako sa pagkain. Anlaki ng twister spaghetti. Kadiri. Tapos yung mga pizza slices na anlalaki rin. Kadiri talaga.

Excited nako sa Quezon trip namin. Sasakay ako ng kalabaw na may ribbon! Lalagyan ko ng ribbon tapos magpphoto shoot ako dun. Tapos libre daw yung beach pare. Namiss ko na maginuman sa beach. Maligo sa beach. Magpa-araw. I want. Now na. Tapos nature tripping. Pwede raw ako mag-igib ng tubig dun!! I want! Pupunuin ko yung mga drum nila. =) Tapos lutong bahay ang mga pagkain. Panalo diba? Pwede daw mamingwit dun, yun ang pinakaiintay ko. Grade 7 ako nung huli ako namingwit. Haha. Bibili ako ng pusit, mura daw dun eh, tapos fresh from the bangka. Yahoo! =D Gagawin kong adobo, relleno, ihaw, calamares.

Pota, calamares. May naalala akong nakakainis. Anyway, moving on.